2 miyembro ng pamilya patay, 2 pa sugatan sa pananambang sa Negros Oriental
Dalawang miyembro ng pamilya ang nasawi at sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng pamamaril sa bayan ng Santa Catalina sa Negros Oriental.
Nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay ng pamilya Ocampo, Huwebes ng gabi (July 26).
Nasawi ang amang si Marlon Ocampo at ang isa niyang anak. Habang sugatan naman ang maybahay ni Marlon at isa pa nilang anak.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Negros Oriental Police Provincial Office, alas 8:00 ng gabi ng pasukin ng salarin ang bahay ng pamilya sa Barangay San Jose.
Kahapon din araw ng Huwebes, tatlong magkakahiwalay na insidente ng pananambang ang nangyari sa Negros Oriental.
Isa ang nasawi sa bayan ng Ayungon, habang sa Guihulngan City ay patay din sa pananambang ang magkapatid na guro at principal at sa bayan ng Siaton ay may isa ring nasawi sa pananambang.
Ang kapitan ng Barangay Buenevista sa Guihulngan City na si chairman Romeo Alipan ay patay din matapos tambangan habang nasa loob ng kaniyang bahay.
Noon namang Martes ng hapon ay tinambangan din ang abugadong si Anthony Trinidad sa Guihulngan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.