Pabrika ng karton tinupok ng apoy sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 06:39 AM

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Maysan Road sa Valenzuela City.

Alas 5:10 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahagi ng Dizon Compound.

Ayon sa Valenzuela City local government isang industrial fire ang naganap na itinaas na sa ikaapat na alarma alas 5:24 ng umaga.

Pabrika ng karton ang natupok kaya hindi naging madali para sa mga bumbero na apulahin ang apoy.

Maliit din ang daraanang kalsada bago mapasok ang lugar ng nasunog na pabrika.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: maysan road, Radyo Inquirer, Valenzuela City, maysan road, Radyo Inquirer, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.