Drug suspect, hinostage ang anak at pinugutan ang live-in partner sa QC

By Len Montaño July 26, 2019 - 04:45 AM

Arestado ang isang lalaking nasa drug watchlist dahil sa pag-hostage nito sa kanyang 3 anyos na anak at pinugutan pa ang kinakasama sa Quezon City.

Ayon sa suspek, selos ang dahilan kaya pinutulan niya ng ulo ang kanyang ka-live in.

Ilang off duty na pulis ang nakamonitor sa pagpapaputok ng baril ng suspek sa Batasan Hills Huwebes ng tanghali.

Pagdating sa lugar ay nakita ang suspek na armado ng baril hawak ang kanyang anak na babae.

Matapos makausap ay payapa namang sumuko ang suspek kaya nailigtas ang bata.

Pero nalaman kalaunan ng mga pulis na may nagawa pala itong mas matinding krimen.

Noong isang gabi pa umano pinugutan ng lalaki ang kanyang kinakasama dahil sa selos.

Nadiskubre ang bangkay ng babae sa isang sulok ng bahay at nasa tabi lang ang itak na ginamit sa krimen.

Ayon sa pulisya, sa panayam sa suspek ay may sinabi ito na isang lalaki na lagi umanong nakatalukbong.

 

TAGS: anak, drugs watchlist, hostage, kinakasama, lalaki, live in partner, pinugutan, quezon city, selos, anak, drugs watchlist, hostage, kinakasama, lalaki, live in partner, pinugutan, quezon city, selos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.