Rain or Shine nalusutan ang Blackwater para sa huling PBA semis slot

By Len Montaño July 26, 2019 - 03:37 AM SHARE(S):

To the rescue muli si Rey Nambatac sa Rain or Shine para talunin ang Blackwater at masungkit ang huling pwesto sa PBA Commissioner’s Cup semi-finals series.

Gumawa si Nambatac ng 12 sa 21 points nito sa fourth quarter para makabangon ang Elasto Painters sa pagkontrol ng Elite sa laro.

Matatandaan na si Nambatac na rin ang nagpanalo sa koponan sa Game 1 ng quarter-finals series kontra Blackwater.

Ayon kay Coach Caloy Garcia, si Nambatac ang nagdala sa kanilang team dahil sa ipinamalas nitong maturity.

Makakalaban ng Rain or Shine sa kanilang best of 5 semis series ang San Miguel Beer sa Sabado.

Samantala, ang Game 1 ng serye sa pagitan ng Barangay Ginebra at TNT ay mamayang gabi na.

 

TAGS: blackwater, elasto painters, elite, huling slot, PBA, Rain or Shine, Rey Nambatac, semi-finals, blackwater, elasto painters, elite, huling slot, PBA, Rain or Shine, Rey Nambatac, semi-finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.