Duterte pinaiimbestigahan sa PNP ang pagpatay sa abogado sa Negros Oriental

By Chona Yu July 26, 2019 - 03:00 AM

Mariing kinondena ng palasyo ng malakanyang ang pagpatay kay Atty. Anthony Trinidad sa Negros Oriental.

“The Office of the President strongly condemns the killing of Atty. Anthony Trinidad by two gunmen aboard a motorcycle in Negros Oriental, as well as the the infliction of bodily harm upon his wife,” pahayag ng Palasyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon, tukuyin ang mga salarin at ang motibo sa pamamaslang.

Pagtitiyak ni Panelo, mananagot sa batas ang mga salarin.

“PRRD has already ordered a thorough probe on the incident to determine who these perpatrors are and to ascertain the motive of the ambush. Lawyers are officers of the court and they help in the dispensation of justice, and we cannot further stress the atrociousness of the act should it be discovered that the felony is work-related,” ani Panelo.

Hindi aniya maatim ng palasyo na patayin ang mga abogado na nagsisilbing mga opisyal ng korte na nagbibigay hustisya sa biktima ng taong nagkakasala sa batas.

Lalo aniyang hindi masikmura ng palasyo kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Trinidad.

Kasabay nito nagpaabot ng pakikiramay ang palasyo sa pamilyag naulila ni Trinidad.

“We will prosecute these killers and ensure that they will face the appropriate punishment for such criminal act as we commit to deliver justice not just for the family of Atty. Trinidad but for the entire Filipino community,” dagdag ng Kalihim.

 

TAGS: Atty. Anthony Trinidad, hustisya, kinondena, Negros Oriental, pagpatay, pinaiimbestigahan, PNP, Atty. Anthony Trinidad, hustisya, kinondena, Negros Oriental, pagpatay, pinaiimbestigahan, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.