Malakanyang: Pagsibak ay Aranas may basehan

Nilinaw ng Malakanyang na sinibak si dating GSIS Chief Clint Aranas dahil sa pagbebenta nito ng government owned properties nang hindi aprubado ng gobyerno gayundin ang unapproved incentives.

Sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya sa puwesto si Aranas matapos nitong ipagpilitan ang pagbebenta ng 67-hectare port area property na kasalukuyang inookupa ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) na pag-aari ng negosyanteng si Enrique Razon

Una dito ay sinabi ni Aranas bago ang kanyang resignation na napilitan siyang ibenta ang property sa halagang P33.6 billion kung saan iginiit nito na ang GSIS ang legal owner ng property.

Ang transaksyon ay sa kabila ng hindi pagsuporta dito ng GSIS board member at pagtutol ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Samantala, tinangka din ni Aranas na patalsikin ang operator ng Sofitel Manila dahil sa alegasyon na ginagamit ng hotel ang dalawang GSIS properties at kumikita nang hindi nagbabayad sa pension fund.

Sinasabing sangkot din si Aranas sa P260.5 million illegal incentives sa loob ng state-run pension fund base sa report ng Commission on Audit (COA).

Sa report ng COA, namigay umano si Aranas ng P100,000 na Galing ng Pagkilala incentives sa 2,615 employees ng ahensya noong 2018 nang walang approval ni Pangulong Duterte at ng Department of Budget and Management (DBM).

 

Read more...