Pagbebenta ng alak malapit sa mga eskwelahan, bawal na sa Maynila
Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 17 na nagbabawal sa mga establisyimentong malapit sa mga paaralan na magbenta ng alak.
Ayon kay Moreno, maraming negosyo ang lumalabag sa naturang kautusan kabilang na ang ilang shopping malls, bars, at mga kainan.
Sa pagpapatupad ng kautusan ay babantayan ng Bureau of Permits and License Office (BPLO) at Treasurer’s office ang pagsunod ng mga establisyimento sa direktiba.
Sa ilalim ng EO ang Ordinance No. 3532 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa loob ng 200 metro mula sa mga eskwelahan habang ang Ordinance No. 8520 ay nagbabawal ng pagbebenta ng alak sa mga menor de edad sa mga mall, bar, kainan, o anumang establisyimento sa Maynila.
Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga mahuhuling lalabag sa nasabing ordinansa at posible ring kanselahin ang kanilang business permit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.