MMFF, dalawang beses nang gagawin sa isang taon
Inanunsyo na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magsasagawa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Summer Festival sa susunod na taon.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, gagawin ang pangalawang film festival sa panahon ng tag-araw mula April 11 hanggang 21 simula sa 2020.
Sinabi naman ni MMDA Chairman Danny Lim na ang pangalawang MMFF ay para tulungan ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Maipapasok naman sa MMFF Summer Festival ang mga pelikulang ipinalabas mula January ngayong taon kasama ang mga naisumite sa 2019 MMFF.
Mamimili naman ang MMFF Selection Committee ng 8 official entries na ipapalabas sa buong bansa.
Magkakaroon din ng sariling MMFF Summer Festival Parade of Stars na isasagawa sa April 5, 2020 at Awards Nights sa April 15, 2020.
Si Senator Christopher “Bong” Go ang nagmungkahi na gawing dalawang beses sa isang taon ang naturang film festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.