SWS: Mas kaunting mga Pilipino nagsabing bumuti ang kanilang buhay

By Len Montaño July 26, 2019 - 12:31 AM

Mas kaunting mga Pilipino ang nagsabing bumuti ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula June 22 hanggang 26, nasa 36% ng mga Pilipino ang nagsabing nag-improve ang kanilang buhay at 22 % ang nagsabi na lumala ang kanilang buhay sa nakalipas na isang taon.

Nagresulta ito sa net gainers score na +13 na ayon sa SWS ay “very high.”

Pero ito ay 4 puntos na mas mababa kumpara sa +17 noong March.

Lumabas din sa survey na 46% ang “optimists” o positibong gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan habang 4% ang nagsabi na lalala o iyong mga “pessimists” para sa net personal optimist score na +42.

Mas mababa ito ng 5 puntos kumpara sa +47 score noong March.

Samantala, ang net economic optimists score noong Hunyo ay mas mababa rin sa +33 kumpara sa March score na +35.

Ayon sa SWS, ang net economic optimism ay ang expectations ng publiko sa ekonomiya ng bansa.

Iba ito sa net personal optimism na expectations naman sa personal na kalidad ng buhay.

Ang 4 na puntos na pagbaba noong nakaraang buwan ay dahil sa pagbaba ng score sa lahat ng areas liban sa Visayas.

Ang net gainers ay bumaba ng 3 points sa Metro Manila, 5 points sa Balance Luzon at 9 points sa Mindanao pero tumaas ito ng 5 points sa Visayas.

 

TAGS: bumuti ang buhay, ekonomiya, june, kumpyansa, lumala ang buhay, optimists, pessimists, survey, SWS, bumuti ang buhay, ekonomiya, june, kumpyansa, lumala ang buhay, optimists, pessimists, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.