Mga sobrang gamot na sinita ng COA, ipinamamahagi na ng DOH
Patuloy ang pamamahagi ng Department of Health (DOH) sa mga sobrang gamot na natuklasan ng Commission on Audit (COA) noong 2018.
Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay naipamahagi na ang lahat ng stock ng filatiasis kit, CD4 cartridge kit, Tubercilin PPD, at Japanese Encephalitis vaccines.
Ang mga natitira namang gamot sa mga pasilidad ng DOH ay ipinamamahagi na rin sa mga ospital sa Metro Manila at maging sa mga malalayong lalawigan.
Nagdagdag na rin ang ahensya ng mga tao upang mas mapabilis ang distribusyon ng mga gamot.
Matatandaang tinawag ng COA ang pansin ng DOH matapos maitala ang mga sobrang gamot noong 2018 na nagkakahalaga ng halos P300 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.