Most wanted sex offender sa Europe arestado sa Cebu; 8 bata nailigtas
Arestado ang isa sa most wanted sex offenders sa Europe dahil sa kasong child abuse and exploitation.
Naaresto si Nelson Siacor Torayno, 32 anyos sa inuupahan nitong kwarto sa Barangay Luz sa Cebu City.
Ito ay kasunod ng joint operation ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) at Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).
Nadiskubre sa kwarto ni Torayno ang libo-libong imahe, kabilang ang mga video ng mga batang inaabuso ng mga matatanda.
Ang suspek ang nagdi-distribute ng mga child sexual exploitation materials sa dark-web at sa proseso ng kanyang krimen ay nag-abuso rin sa mga bata.
Noong April 12 pa nahuli si Torayno pero araw ng Huwebes lamang nailabas sa media.
Samantala, nailigtas sa operasyon ang 8 bata na mga kapit-bahay at kakilala ng suspek.
Naaresto ang suspek matapos na mag-report sa pulisya ang 2 bata na umanoy ginawan ng kahalayan ni Torayno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.