Anunsyo sa “veto” ni Duterte sa security of tenure bill binawi ng Malakanyang
Kumambyo ang Malakanyang sa unang anunsyo na hindi inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang security of tenure bill.
Walang 1 oras matapos ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa mga reporter sa Malakanyang, binawi nito ang unang pahayag ukol sa pag-veto ng Pangulo sa panukalang batas.
Ayon kay Panelo, wala pang veto na ginawa ang Pangulo sa security of tenure bill.
Pinag-aaralan pa anya ng Pangulo ang mga pros at cons ng nasabing bill.
“Security Tenure Bill not yet vetoed. PRRD still studying the pros and cons. Sorry for the error. We will know tomorrow for sure,” ani Panelo.
Humingi naman ng paumanhin ang Malakanyang sa pagkakamali.
Idinahilan ni Panelo ang “poor hearing” sa pagkakamali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.