Duterte posibleng katigan ang rekomendasyon na palawigin pa ang martial law sa Mindanao

By Chona Yu July 25, 2019 - 11:22 PM

Hindi magdadalawang isip si Pangulong Rodrigo Duterte na katigan ang rekomendasyon ng mga mayor, governor, congressmen at iba pang lokal na opisyal sa Mindanao na palawigin pa ang umiiral na martial law sa rehiyon.

Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Candon City bypass road sa Ilocos Sur, sinabi nito na hindi naman niya ginagawang adbokasiya ang pagpapatupad ng batas militar.

“You know Mindanao continues to be a problem. I am not advocating for any continuance of the martial law,” ani Duterte.

Pero kung sa pananaw aniya ng lokal na pamahalaan na palawigin pa ang martial law para maprotektahan ang interes ng mga Filipino sa Mindanao region, hindi siya magdadalawang isip na aprubahan ito.

“But if the local government units, the governors, mayors and even congressmen, would find it that it would be to the best interest of the Filipino in Mindanao, I would not hesitate to say yes,” dagdag ng Pangulo.

Marami pa aniyang problema na kinakaharap ngayon ang bansa gaya ng terorismo.

 

TAGS: extension, Martial Law, Mindanao, palawigin, rekomendasyon, Rodrigo Duterte, Terorismo, extension, Martial Law, Mindanao, palawigin, rekomendasyon, Rodrigo Duterte, Terorismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.