Duterte pinirmahan na bilang batas ang mas mataas na buwis sa sigarilyo
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magpapataw ng dagdag buwis sa sigarilyo at electronic o e-cigarettes.
Kinumpirma ito nina Finance Secretary Sonny Dominguez at Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ayon kay Medialdea, layon ng batas na tugunan ang agarang pangangailangan na protektahan ang karapatan sa kalusugan ng mga Pilipino at magkaroon ng sapat na pondo para sa programa ng gobyerno ukol sa universal health care.
“To address the urgent need to protect the right to health of the Filipino people and to maintain a broader fiscal space to support the implementation of the Universal Health Care Act, the President has signed into law HB No. 8677 / SB No. 2233 Increasing the Excise Tax on Tabacco Products,” pahayag ni Medialdea.
Sa ilalim ng Republic Act Number 11346, magiging P45 na ang buwis sa kada pakete ng sigarilyo mula sa kasalukuyang P35 simula sa January 1, 2020.
Sa 2021 naman ay magiging P50 na ang kada pakete ng sigarilyo, P55 sa 2022 at P60 sa 2023.
Gagamitin ang malilikom na buwis para pondohan ang implementasyon ng Universal Health Care Law.
Ang dagdag buwis sa tobacco products ay bahagi ng tax reform package 2 ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.