Duterte nag-veto sa security of tenure bill

Hindi inaprubahan o nag-veto si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang security of tenure ng mga manggagawa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi isinabatas ng Pangulo ang security of tenure bill.

Nakatakda sanang mag-lapse into law o tuluyan nang maging batas ang naturang bill sa July 27.

Layon ng security of tenure bill na matugunan ang isyu ng kontraktuwalisasyon partikular ang “endo” o end of contract ng manggagawa kung saan hanggang anim na buwan at nire-renew na lamang ang kontrata at walang kaukulang benepisyo.

Matatandaan na ang pagtugon sa labor contracting ang isa sa mga pangako ng Pangulo noong kampanya para sa 2016 elections.

Una nang hinimok ng koalisyon ng mga business groups ang Pangulo na i-veto ang nasabing bill dahil “redundant” umano ito dahil may mga batas na para sa proteksyon ng mga manggagawa laban sa illegal contractualization.

 

Read more...