Naniniwala si Buhay Rep. Lito Atienza ay magiging sunod-sunuran lamang ang kasalukuyang Kongreso sa Malacanang.
Ayon kay Atienza, sa simula pa lamang ay nadidiktihan na ang Kamara sa pamamagitan ng pagkakaroon ng term-sharing sa pagka-speaker ay hindi katanggap-tanggap para sa kanya.
Sinabi ng mambabatas na naniniwala siya na lahat na gagawin ng Kamara ay base lamang sa dikta ni House Speaker Alan Peter Cayetano bilang ito ay committed lamang sa kagustuhan ng Malakanyang.
Iginiit din ng mambabatas, na-pressure si Pangulong Rodrigo Duterte ng mismong mga miyembro ng gabinete nito na malapit kay Speaker Cayetano.
Maari anyang magamit ang 18th Congress upang manipulahin ang alokasyon sa national budget para mabigyan ng pabor ang ilang mga government officials.
Ang nangyari anyang anomalya sa 2019 budget ay maaring muling maulit sa ilalim ng liderato ni Cayetano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.