P500 allowance para sa senior citizens, PWDs at Grade 12 pirmado na sa Maynila

By Clarize Austria July 25, 2019 - 04:41 PM

Inquirer file photo

Pinirmahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang ordinansang nagbibigay ng P500 buwanang tulong pinansyal sa mga piling mamamayan sa lungsod ng Maynila.

Makikinabang sa mga direktibang ito ang mga estudyante na nasa Grade 12 sa mga pampublikong paaralan, senior citizens, person with disabilities o PWDs at mga solo parent.

Ang kwalipikasyon naman para sa pagkuha ng allowance sa:

– Grade 12 students sa mga pampublikong ay kailangang nakarehistro sa Maynila at kung hindi, kailangan mamamayan ng lungsod ang magulang.

– Sa senior citizens ay dapat residente ng Maynila, nasa 60 anyos pataas, at kasama sa master list ng Manila Office of Senior Citizens Affairs

-Sa PWDs, at solo parent ay dapat nakarehistro sa lungsod ng maynila at kasama sa listahan ng Manila Department of Social Welfare

Ayon kay Moreno, ito ang unang pagkakataon na mayroong ordinansang naipasa ng Manila City Council sa loob ng tatlong linggo.

Maipapamahagi ang tulong base sa bisa ng Ordinance No. 8564 para sa mga nasabing mag-aaral at Ordinance No. 8565 para sa mga senior citizens, PWDs, solo parents.

TAGS: allowance, Isko Moreno, PWDs, senior citizens, allowance, Isko Moreno, PWDs, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.