Ito ay matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na ang limang nabanggit na tanggapan ang nangunguna sa listahan ng hotline 8888 na may pinakamaraming reklamo ng korapsyon at may pinaka-makupad na serbisyo.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ipatatawag niya ang mga namumuno sa mga nabanggit na tanggapan para makapag-latag ng solusyon upang mapabilis ang sistema at pagbibigay serbisyo publiko.
Dagdag ni Belgica, makatutuwang ng PACC ang Anti-Red Tape Authority para maisaayos ang serbisyo ng LTO, LRA, SSS, BIR at Pag-IBIG.
Una nang nagbanta si Pangulong Duterte sa limang nabanggit na tanggapan na ayusin ang pagbibigay serbisyo sa publiko.