Malakanyang natuwa sa mataas na net satisfaction rating ng cabinet members

By Chona Yu July 25, 2019 - 12:33 PM

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang pagtaas ng net satisfaction rating ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa second quarter survey ng Social Weather Station (SWS), mula sa positive 44 noong Marso, nasa positive 51 na ngayon ang net satisfaction rating ng cabinet members.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakatataba ng puso dahil ito ang unang pagkakataon na
nakatanggap ng very good rating ang cabinet members sa kasaysayan.

Mahalaga aniya sa cabinet members ang naturang rating dahil salamin ito ng kanilang dedikasyon na suportahan ang mandato ni Pangulong Duterte na magbigay ng serbisyo publiko.

Umaasa aniya ang Palasyo na patuloy pang pag-iigihan ng cabinet members ang maayos na paglilingkod sa bayan hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

TAGS: cabinet members, satisfaction rating, SWS, cabinet members, satisfaction rating, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.