CIBAC Rep. Bro Eddie Villanueva pabor sa pagbabalik ng death penalty

By Erwin Aguilon July 25, 2019 - 10:56 AM

Radyo Inquirer / Erwin Aguilon

Pabor si CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva sa reimposition ng parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen.

Sinabi ito ni Villanueva, lider ng Jesus is Lord Church matapos na hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa kanyang ika-apat na SONA ang pagsusulong ng panukalang parusang kamatayan para sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga at pandarambong.

Ayon kay Villanueva, “biblical command” ng Diyos ang death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen ayon sa old at new testament.

Subalit iginiit nito na kailangan na magkaroon ng safety nets upang sa gayon ay maiwasan na maging anti-poor implementation ng parusang kamatayan.

Mahalaga rin aniyang mapagbuti ang justice system sa bansa kung saan mabibigyan ng proteksyon ang mga akusadong mahihirap, na kadalasang hindi kayang makakuha magaling na abogado.

Pinaalalahanan din nito ang gobyerno na maging “wisdom driven” sa pagpapatupad ng mga polisiyang may malaking impact sa buhay ng taumbayan.

TAGS: CIBAC Party List, Death Penalty, JIL leader Eddie Villanueva, CIBAC Party List, Death Penalty, JIL leader Eddie Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.