2 babaeng supporter ng ISIS arestado sa GenSan; mga baril at pampasabog nakumpiska

By Jimmy Tamayo July 25, 2019 - 10:53 AM

Arestado ang dalawang hinihinalang babaeng supporter ng Isis sa General Santos City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Bai Nor Aizis Buday at Joyce Ann Fornal, na gumagamit ng mga alyas na Fahima Az-zarah, Jamillah Fornal, Knickerbucker, Umm Omar, Sunset, at Jamillah.

Ayon sa Police Regional Office-12, nadakip ang dalawa nang salakayin ang isang bahay sa Johnny Ang Subdivision sa Barangay Lagao.

Nakuha sa bahay ang ilang mga pambasabog at gamit sa pag-gawa ng bomba bukod pa sa dalawang rifle grenades at dalawang bandila ng ISIS group.

Nabatid din na ang dalawa ay may kaugnayan kay Esmael Abdulmalik alyas Abu Turaife, ang lider ng Dawlah Islamiyah Turaife Group na nasa likod ng serye ng pambobomba sa Sultan Kudarat noong nakaraang taon.

Ang dalawa ay kakasuhan ng illegal possession of firearms, ammunition and explosives.

TAGS: General Santos City, isis supporters, Radyo Inquirer, General Santos City, isis supporters, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.