WATCH: Mga dayuhang terorista sa Mindanao bahagi ng pagpapalakas ng IS sa Southeast Asia – security expert

By Dona Dominguez-Cargullo July 25, 2019 - 09:51 AM

Inquirer file photo

Ang pitong dayuhang terorista na sinasabing nag-ooperate sa Mindanao ay maaring bahagi ng pagpapalakas ISIS sa Southeast Asia.

Ayon kay National Security and International Studies Expert Professor Rommel Banlaoi, kung ang pitong dayuhang terorista na namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay bagong dating ay karagdagan ito sa mga dayuhang terorista na matagal nang nasa Mindanao.

Sinabi ni Banlaoi na matagal nang target ng ISIS na irebuild ang kanilang caliphate sa Southeast Asia at ang sentro nito ay sa Mindanao.

Base sa ulat na natanggap ng Western Mindanao Command ng AFP, ang pitong dayuhang terorista ay nasa Maguindanao at nagsasanay ng mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ani Banlaoi, senyales ito na patuloy ang komunikasyon ng Islamic State kay Abu Toraife ng BIFF.

TAGS: BIFF, foreign terrorists, maguindanao, Mindanao, Rommel Banlaoi, Security Expert, BIFF, foreign terrorists, maguindanao, Mindanao, Rommel Banlaoi, Security Expert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.