Kapitan ng barangay, 2 guro patay sa pamamaril sa Negros Oriental

By Dona Dominguez-Cargullo July 25, 2019 - 09:33 AM

Tatlo ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamril sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Isa sa mga biktima ay si Romeo Alipan na chairman ng barangay sa Barangay Buenavista, Guihulngan City

Ayon sa mga otoridad, si Alipan, 64 anyos ay pinagbabaril habang nasa loob ng kaniyang bahay ala 1:40 ng madaling araw ng Huwebes (July 25).

Base sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa bahay ni Alipan at saka ilang beses siyang pinaputukan.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Samantala, dalawang guro sa Guihulngan City Division ang nasawi din sa pamamaril.

Kinilala ang mga biktima na sina Ardale at Arthur Bayawa.

Patuloy pa ang imbestiagasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek.

TAGS: 3 killed, ambush, Guihulngan City, Negros Oriental, 3 killed, ambush, Guihulngan City, Negros Oriental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.