‘No parking zone’ sa ilang lansangan sa Greenhills Shopping Center epektibo na ngayong araw

Epektibo na simula ngayong araw ang pagpapatupad ng ‘no parking zones’ sa mga lansangan sa palibot ng Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

Sa ilalim ng Executive Order No. 4 na nilagdaan noong nakaraang linggo ni San Juan City Mayor Franciso Zamora, simula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi, bawal nang mag-park ang mga sasakyan sa sumusunod na kalsada:

– Club Filipino Avenue
– Annapolis Street (mula sa kanto ng Eisenhower Street hanggang kanto ng Missouri Street)
– Missouri Street (mula sa kanto ng Annapolis hanggang sa kanto ng Connecticut Street
– Connecticut Street (mula sa kanto ng Missouri Street hanggang sa kanto ng Ortigas Avenue)

Nagpaskil na ang mga tauhan ng San Juan Traffic ng anunsyo ng “No parking zone” sa mga nabanggit na kalsada.

Personal ding pinuntahan ni Zamora ang lugar ngayong umaga para pangasiwaan ang pormal na pagpapatupad ng no parking zone.

Sa unang araw ng pagpapatupad ng executive order ay may ilang sasakyan nang nasampolan at hinatak dahil sa ilegal na pagparada.

Read more...