LOOK: Ilang lansangan sa Pasig City isasara ngayong araw
Isasara sa mga motorista ang bahagi ng ilang lansangan sa Pasig City.
Ito ay dahil sa gagawing motorcade ng Ms. Earth candidates.
Sa abiso ng Traffic and Parking Management Office ng Pasig City, mula alas 3:00 ng hapon mamaya (July 25) ay sarado ang sumusunod na kalsada:
– Plaza Rizal Intersection
– Caruncho Avenue (harap ng City Hall)
– M.H Del Pilar Street
– E. Angeles Street
– Dr. Pilapil St.
– Dr. Sixto Antonio Avenue
– A. Mabini Street
Pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta sa kasagsagan ng motorcade para hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.