Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, bumagsak ang projectiles sa East Sea o Sea of Japan.
Patuloy umano ang monitoring nila sa sitwasyon sakaling magkaroon pa ng susunod na pagpapakawala ng missiles ang Pyongyang.
Ayon sa mga otoridad sa Seoul, ang unang projectile ay pinakawalan las 5:34 ng umaga at ang sumunod ay makalipas ang 23 minuto.
Ito ang unang pagpapakawala ng projectiles ng NoKor simula noong huling pulong nina NoKor leader Kim Jong Un at US President Donald Trump hinggil sa denuclearization.
MOST READ
LATEST STORIES