2 hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa mga pulis sa QC; 4 na kasamahan nakatakas

By Dona Dominguez-Cargullo July 25, 2019 - 07:01 AM

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper sa engkwentro sa mga pulis sa Payatas, Quezon City.

Ayon kay Lt. Col. Joel Villanueva hepe ng Batasan police, alas 3:00 ng madaling araw nang i-report sa kanila na mayroong pampasaherong jeep na hinoldap sa Payatas.

Sa pahayag ng isang saksi, nag-aabang siya ng masasakyan pauwi ng Montalban, Rizal nang makita niya ang tatlong motorsiklo na may sakay na anim na lalaki.

Hinarang ng mga ito ang isang pampasaherong jeep at tinutukan ng baril para huminto.

Doon na nilimas ng mga suspek ang gamit ng mga pasahero.

Tyempo namang paparating ang nagpapatrulyang mga pulis ng Batasan Police station.

Sa halip na sumuko ay nagpaputok ang mga suspek at napuruhan ang dalawa sa kanila na agad nilang ikinasawi.

Nakatakas naman ang apat na iba pa sakay ng kanilang motosiklo.

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya sa apat pang mga suspek.

TAGS: encounter, hold up, Payatas, quezon city, encounter, hold up, Payatas, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.