30 palaboy sinagip ng mga otoridad sa Maynila

Photo: Manila PIO
Aabot sa 30 palaboy ang nasagip sa isinagawang reach-out operations sa Maynila.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa Tayuman, Binondo, Sta. Cruz, Hermosa, Plaza Morga at Plaza Moriones.

Kabilang sa nasagip ang dalawampung menor de edad.

Mayroon ding nasagip na dalawang senior citizens, at dalawang pamilya na pawang sa lansangan natutulog.

Ang 20 menor de edad na nasagip ay dinala sa Manila Boystown Complex.

Habang ang iba pa ay nasa pangangalaga pansamantala ng MDSW.

Read more...