Habagat bahagyang lumakas apektado na rin ang Visayas at Mindanao – PAGASA
Lumakas pa ang pag-iral ng southwest monsoon o habagat at ngayon ay apektado na ang western sections ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ang MIMAROPA at Western Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong isolated na mga pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.
Babala ng PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Sa Metro Manila namamn at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, buong Visayas at Mindanao, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.