Trade talks sa pagitan ng US at China itutuloy sa susunod na linggo

By Rhommel Balasbas July 25, 2019 - 04:49 AM

Ipagpapatuloy na simula sa susunod na linggo ang negosasyon ng US at Chinese officials para maresolba ang isang taong sigalot sa kalakalan ng Washington at Beijing.

Ayon kay US Treasury Secretary Steven Mnuchin, magaganap ang pulong sa Shanghai sa Martes at Miyerkules,

Ito ang kauna-unahang pulong matapos mauwi sa wala ang negosasyon noong Mayo matapos akusahan ni President Donald Trump ang China na hindi tumupad sa mga pangako.

Pangungunahan ni Mnuchin at US Trade Representative Robert Lighthizer ang delegasyon ng US.

Sinabi ng White House na pag-uusapan kasama si Chinese Vice Premier Liu ang mahahalagang isyu kabilang ang “intellectual property, forced technology transfer, non-tariff barriers, agriculture, services, at trade deficit and enforcement.”

Sinabi ni Mnuchin na umaasa siyang magkakaroon ng progreso ngunit posibleng magkaroon pa ng serye ng mga pag-uusap na magaganap naman sa Washington.

Magugunitang nagpataw ng daan-daang bilyong taripa si Trump sa Chinese goods.

Ipinanawagan ng US sa Beijing na wakasan na ang umano’y pagnanakaw nito sa American technology.

 

TAGS: China, trade talks, tuloy, US, China, trade talks, tuloy, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.