7 patay sa airstrikes sa Syria

By Len Montaño July 25, 2019 - 04:45 AM

AFP photo

Patay ang pitong sibilyan, kabilang ang tatlong bata, sa airstrikes sa Northwest Syria.

Umigting ang pambobomba ng Syria at Russia sa Idlib region at kalapit na lugar na Aleppo at Hama provinces mula pa noong Abril.

Ayon sa Britain-based Syrian Observatory for Human Rights, tatlong bata ang kabilang sa mga sibilyan na nasawi sa airstrikes sa Aleppo at Idlib provinces.

Kasunod ito ng airstrikes ng Russia na ikinamatay ng 50 katao sa northwestern Syria.

Tatlumput-walo sa mga ito ang patay sa pagsalakay sa isang palengke sa isang bayan sa Idlib province.

Sa datos ng United Nations, lumubo ang bilang ng karahasan sa bansa kung saan mahigit 700 sibilyan na, kabilang ang 170 na mga bata, ang namatay.

Mula nang magsimula ang kampanya laban sa mga anti-government protests noong 2011, mahigit 370,000 katao na ang namatay sa giyera sa Syria.

 

TAGS: 3 bata, 7 sibilyan, Airstrikes, Aleppo, Idlib, patay, syria, 3 bata, 7 sibilyan, Airstrikes, Aleppo, Idlib, patay, syria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.