Tatay, 3 anak, arestado sa buy-bust operation sa Makati

Timbog ang mag-aama sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Cembo, Makati.

Ayon kay Makati Police chief Pol. Col. Roger Simon, target ng operasyon si alyas ‘Homer’, 38 anyos.

Positibong nakabili ang poseur-buyer ng P300 na droga mula suspek.

Matapos ang transaksyon nilusob ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang bahay ng suspek at naabutan ang dalawang kapatid ni Homer at kanilang 60-anyos na ama.

Nakuhaan mula sa mag-anak na mga suspek ang 60 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, cellphone na gamit sa pagbebenta ng droga at maging mga bala ng caliber 9mm at .38.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Law of Firerams and Ammunitions ang mga suspek.

 

Read more...