Palasyo humiling na palawigin ang termino ni US ambassador Sung Kim

By Rhommel Balasbas July 25, 2019 - 04:17 AM

Hiniling ng Palasyo ng Malacañang na mapahaba pa ang panunungkulan ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, humiling si Executive Secretary Salvador Medialdea na mapalawig ang termino ni Kim.

“He really was sincerely liked, in fact, Secretary Medialdea asked me, I think sometime mid-June, he was telling me, ‘Baka puwede natin pa-extend, I said we’ll find out’,” ani Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na walang dudang naging maganda ang ugnayan ni Kim sa presidente at sa gabinete.

“Ambassador Kim, no doubt about it, he has a very good rapport with President (Rodrigo) Duterte and with all our Cabinet,” dagdag ng opisyal.

Ipinarating na ni Romualdez ang hiling sa State Department ngunit hindi anya sigurado kung mapagbibigyan ito.

Ito ay dahil na nanomina na si Kim bilang susunod na US Ambassador to Jakarta na matatandaang inanunsyo na rin ng White House noong July 11.

“I called up the State Department, they said, ‘We’ll see but that would be difficult,’ until ‘yon na nga, they had no choice but wala na e, na-nominate na,” ani Romualdez.

Inaasahang aalis na ng bansa si Kim sa katapusan ng Oktubre o sa unang bahagi ng Nobyembre.

Sinabi ni Romualdez na sa susunod na dalawang buwan ay malalaman na kung sino ang susunod na envoy ng Estados Unidos sa bansa.

Magugunitang kumalat ang balita na si State Department official Mina Chang ang papalit kay Kim.

 

TAGS: envoy, Executive Secretary Salvador Medialdea, Mina Chang, palawigin, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Sung Ki, envoy, Executive Secretary Salvador Medialdea, Mina Chang, palawigin, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Sung Ki

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.