BFAR: 9 na lugar nagpositibo sa red tide

By Rhommel Balasbas July 25, 2019 - 04:14 AM

Siyam na lugar sa bansa ang nagpositibo sa red tide ayon sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na huwag humango, magbenta, bumili at kumain ng shellfish sa nasabing mga lugar.

Positibo na ngayon sa red tide toxin ang:

  • Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan
  • Maqueda, Irong-irong, Silanga, at Cambatutay Bays sa Western Samar

Habang nananatiling nasa ilalim ng red tide alert ang mga sumusunod na lugar:

  • San Pedro Bay sa Western Samar;
  • Lianga Bay sa Surigao del Sur;
  • Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
  • Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental

Lampas sa regulatory limit ang paralytic shellfish poison na natagpuan sa shellfish sa nasabing mga lugar batay sa pagsusuri ng BFAR at local government units (LGUs).

Dahil dito, lahat ng uri ng shellfish at alamang sa nabanggit na mga lugar ay bawal kainin.

“All types of shellfish or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption,” ani BFAR director Eduardo Gongona.

Sinabi naman ng BFAR na ligtas ang isda, squids, shrimps at crabs basta’t sariwa ang mga ito, nahugasan ng mabuti at natanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.

 

TAGS: BFAR, nagpositibo, positibo, red tide, BFAR, nagpositibo, positibo, red tide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.