3 magkakapatid patay sa loob ng septic tank sa Capiz

By Len Montaño July 25, 2019 - 02:14 AM

PDRRMO Capiz photo

Nasawi ang tatlong magkakapatid na trabahador matapos masuffocate sa loob ng septic tank sa isang ekswelahan sa Cuartero, Capiz.

Nagsagawa ng clearing at cleaning operation sa Maindang Senior High School para sa gagawing turn-over ceremony ng K-12 building.

Ayon sa pulisya, bumaba ang isa sa magkakapatid na nakilala lamang na si Dodong para linisin ang tangke pero nawalan ito ng malay.

Sunod na bumaba ang dalawa pang kapatid ni Dodong pero nawalan din sila ng malay hanggang tuluyan nang namatay ang tatlo.

Narekober ang bangkay ng mga magkakapatid ng mga rescuers mula sa disaster and risk reduction management council ng Roxas City, Capiz.

Sa tulong ng mga pulis at sundalo ay nakuha ang mga bangkay ng magkakapatid mula sa septic tank.

TAGS: Capiz, magkakapatid, nawalan ng malay, septic tank, suffocate, trabahador, Capiz, magkakapatid, nawalan ng malay, septic tank, suffocate, trabahador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.