Marjorie Barretto nagpaliwanag sa ‘hotel stay’ nina Julia at Gerald

By Len Montaño July 25, 2019 - 01:52 AM

Nilinaw ni Marjorie Barretto ang tsismis kaugnay ng anak nitong Julia Barretto at Gerald Anderson na umanoy nagkasama sa isang hotel.

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Marjorie ng serye ng mga larawan.

Nilagyan niya ang post ng caption na “Let’s stick to the facts.”

Ang post ng aktres ay sinamahan nito ng screenshots ng Facebook page ng isang hotel kung saan pinasalamatan sina Julia at Gerald sa kanilang stay sa lugar.

Viral sa netizens ang post dahil napuna na pareho ang petsa ng posts.

Pero paliwanag ni Marjorie, ang petsang April 12, 2019 ay ang shooting ng pelikula nina Julia at Gerald ng pelikulang “Between Maybes.”

Binigyan anya ang dalawa ng kanya-kanyang kwarto kasama ang kanilang mga personal assistants.

Dagdag ni Marjorie, labas-masok ang production staff sa mga kwarto nina Julia at Gerald.

Hot item ngayon sina Julia at Gerald kasunod ng IG post ng girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo.

Kasunod din ito ng post ng isang netizen kung saan nakita na magkasama sa parking lot ang dalawa sa birthday party ni Rayver Cruz.

 

View this post on Instagram

 

Let’s stick to the facts. Please swipe.

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on Jul 24, 2019 at 4:07am PDT

TAGS: Bea Alonzo, Between Maybes, Gerald Anderson, hotel stay, Julia Barretto, Marjorie Barretto, nagpaliwanag, nilinaw, Rayver Cruz, Bea Alonzo, Between Maybes, Gerald Anderson, hotel stay, Julia Barretto, Marjorie Barretto, nagpaliwanag, nilinaw, Rayver Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.