Naitala ang magkahiwalay na pagyanig sa mga lalawigan ng Batanes at Batangas.
Ayon sa Phivolcs, magnitude 4.0 na lindol ang yumanig sa 197 kilometro Hilagang-Kanluran ng Itbayat, Batanes alas-10:36 gabi ng Miyerkules.
May lalim ang pagyanig na 48 kilometro.
Alas-12:44 naman ng madaling araw ng Huwebes tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa layong 15 kilometro Timog-Silangan ng Lobo, Batangas.
May lalim naman itong dalawang kilometro.
Naitala ang instrumental Intensity II sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig at wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang mga aftershocks ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.