SWS: Satisfaction ratings nina Robredo, Arroyo, Sotto at Bersamin bumaba

By Clarize Austria, Rhommel Balasbas July 25, 2019 - 01:28 AM

Naitala ang pagbaba sa net satisfaction ratings nina Vice President Leni Robredo, dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Senate President Tito Sotto at Chief Justice Lucas Bersamin batay sa resulta ng pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey.

Ayon sa resulta ng survey, bumaba ang rating ni Robredo mula ‘good’ patungong ‘moderate’ matapos mabawasan ng 14 points o mula sa +42 noong Marso sa +28 noong Hunyo.

Nabawasan ang ratings ng bise presidente sa buong bansa maliban na lamang sa Metro Manila.

“The 14-point decline in the overall net satisfaction rating of Vice President Robredo was due to decreases of 21 points in the Visayas, 18 points in Mindanao, and 13 points in Balance Luzon, combined with a steady net rating in Metro Manila,” sinabi ng SWS.

Samantala, ang rating ni Arroyo ay bumulusok sa -20 points nitong Hunyo, mula sa -17 noong Marso at parehong nasa klasipikasyong ‘poor’.

Nanatili naman sa ‘very good’ ang rating ni Sotto na bahagyang bumaba sa +60 noong Hunyo kumpara sa +61 noong Marso.

Nanatili rin si moderate ang satisfaction rating ni Chief Justice Lucas Bersamin na nagtala ng bahagyang pagbaba o +13 noong Hunyo mula sa +14 noong Marso.

Ang SWS survey ay isinagawa noong June 22 haggang 26 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa.

TAGS: bumaba, Chief Justice Lucas Bersamin, dating Speaker Gloria Macapaga-Arroyo, survey, SWS, Vice President Leni Robredo, Vicente Sotto III, bumaba, Chief Justice Lucas Bersamin, dating Speaker Gloria Macapaga-Arroyo, survey, SWS, Vice President Leni Robredo, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.