Malakanyang: China “in possession” at “in position” sa South China Sea

Aminado ang Malakanyang na parehong “in possession” at “in position” ang China sa South China Sea.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ang magkaibang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “in possession” ang China sa South China Sea habang iginiit naman nina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Defense Secretary Delfin Lorenzana hindi “in possession” kundi “in position” ang maaaring gustong sabihin ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may legal at constructive possession ang China sa lugar.

Malinaw kasi aniya na may advantage sa posisyon ang China dahil sa dami ng kanilang militar sa lugar.

Iginiit pa ni Panelo na walang contradiction o pagkakaiba sa mga pahayag nina Pangulong Duterte, Esperon at Lorenzana dahil hawak ng China ang naturang lugar.

“They are positionally in advantage kasi nga marami silang military. So there is no contradiction between position and possession. Possession and position are the same because they are in constructive possession by reason of the position and control of the military installations there,” ani Panelo.

Sa SONA ng Pangulo, sinabi nito na “in possession” na ang China sa South China Sea.

 

Read more...