7 patay sa pagkahulog ng truck sa bangin sa Ifugao

By Len Montaño July 24, 2019 - 11:11 PM

Credit: Fredilyn B. Ponchao

Pito katao ang nasawi matapos mahulog ang sinasakyan nilang elf truck sa bangin sa Aguinaldo, Ifugao Miyerkules ng umaga.

Ayon sa hepe ng Aguinaldo Police Station na si Police Lt. Ricardo Dumangeng, posibleng problema sa makina ng truck ang dahilan ng insidente.

Kinilala ang mga namatay na sina Joey Tambiag, Divina Tambiag, Whilam Chumatog, Josephine Uhuban, Ricky Chog-ap, Rosita Paynohon at Vicente Buyag-ao.

Nabatid na pababa ang truck sa kurbadang bahagi ng national highway sa Sitio Montonop, Barangay Chalalo nang mawalan ng preno ang sasakyan.

Dead on the spot ang driver ng truck na si Joey at misis nitong si Divina at ang limang pasahero.

Nakaligtas naman ang tatlong pasahero kabilang ang 7 anyos na anak na mag-asawa.

Ang mga biktima ay nadaganan ng sasakyan at karga nitong mga produkto gaya ng bigas.

TAGS: 3 sugatan, 7 patay, bangin, dead-on-the-spot, elf truck, Ifugao, nahulog, nawalan ng preno, 3 sugatan, 7 patay, bangin, dead-on-the-spot, elf truck, Ifugao, nahulog, nawalan ng preno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.