Kaugnay nito, inilatag na ng ahensya ang ilang guidelines para sa isasagawang halalan para sa magiging kinatawan ng una at ikalawang distrito ng Southern Leyte at ng Lone District ng General Santos City sa South Cotabato.
Maaaring magsumite ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) ang mga kandidato mula August 26 hanggang August 28.
Bibigyan naman ng hanggang September 16 ang mga nais na maging substitute candidate.
Gagawian ang special elections dahil sa pagsasabatas ngayong taon ng re-apportioning o pagsasaayos ng ilang distrito sa Southern Leyte at sa South Cotabato.