Comelec magsasagawa ng special elections sa Southern Leyte at GenSan
Magsasagawa ng special elections ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga ihahalal kongresista para sa mga bagong distrito sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao sa October 26.
Kaugnay nito, inilatag na ng ahensya ang ilang guidelines para sa isasagawang halalan para sa magiging kinatawan ng una at ikalawang distrito ng Southern Leyte at ng Lone District ng General Santos City sa South Cotabato.
Maaaring magsumite ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) ang mga kandidato mula August 26 hanggang August 28.
Bibigyan naman ng hanggang September 16 ang mga nais na maging substitute candidate.
Gagawian ang special elections dahil sa pagsasabatas ngayong taon ng re-apportioning o pagsasaayos ng ilang distrito sa Southern Leyte at sa South Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.