Pilipina nahulihan ng 5.9 kilo ng shabu sa Malaysia

By Len Montaño July 24, 2019 - 09:50 PM

Nahaharap sa parusang kamatayan ang isang Pilipina na nahulihan ng 5.9 kilo ng shabu sa isang bahay sa Manggatal sa Sabah.

Ayon kay Sabah deputy police commissioner Datuk Zaini Jass, ang 32 anyos na Pinay ay naaresto sa raid noong Martes ng umaga.

Nakuha ng mga pulis ang mga droga sa ilang bag at package na nasa kusina ng bahay.

Karamihan sa mga shabu ay nakatago sa mga pakete ng tsaa at may nakitang isa pang 5.4 kilo ng droga sa isang sasakyan.

abi ng Zaini na ang mga droga ay pag-aari ng isang lalaki na hindi pa naaaresto at nagkakahalaga ang mga ito ng RM275,000 (P3.4 million).

Umaasa ang pulisya na agad mahuhuli ang lalaki at ang main supplier ng shabu.

Iniimbestigahan ang Pilipina sa ilalim ng Section 39B ng Dangerous Drugs Act 1952 sa Malaysia.

 

TAGS: 5.9 kilo, Dangerous Drugs Act 1952, nahulihan ng droga, parusang kamatayan, Pilipina, Raid, Sabah, shabu, 5.9 kilo, Dangerous Drugs Act 1952, nahulihan ng droga, parusang kamatayan, Pilipina, Raid, Sabah, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.