Vietnam, naghahanap lang ng giyera sa China ayon sa Malakanyang

By Chona Yu July 24, 2019 - 09:48 PM

Hindi bilib ang Palasyo ng Malakanyang sa hakbang ng Vietnam na magpadala ng barko sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinapamahak lamang ng Vietnam ang buhay ng kanilang mga kababayan.

Naghahanap lamang aniya ng giyera ang Vietnam dahil sa ginagawa nitong panghaharass sa China sa South China Sea.

Lumalala na ngayon ang tensyon sa pagitan ng China at Vietnam dahil sa agawan ng teritoryo.

Isa ang Vietnam sa mga claimant sa South China Sea.

Ayon kay Panelo, pinakamabisa pa rin ang estratihiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na idaan sa diplomasya at usapan ang pag angkin ng piliipnas sa ilang teritoryo sa South China Sea.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, South China Sea, Vietnam at China giyera, Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, South China Sea, Vietnam at China giyera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.