Sasakyan, sumabog at nasunog matapos maaksidente sa Batangas City

By Noel Talacay July 24, 2019 - 09:28 PM

Sumabog at nasunog ang isang pribadong sasakyan matapos itong bumangga sa isang railling sa kahabaan ng Barangay San Sebastian, Mataas na Kahoy sa Batangas City.

Base sa paunang ulat ng Batangas Police, bandang alas 08:10, Martes ng gabi, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente sa nasabing lugar tungkol sa insidente.

Sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, isang Tamaraw FX na may plakang DMG-687 ang nasangkot sa aksidente.

Ayon sa pulisya, nahihirapan silang makakuha ng mga detalye ng nasabing sasakyan dahil natupok ito ng apoy kasama ang driver.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilalan ng biktima at mga kaanak nito. .

TAGS: Batangas Police, hindi pa rin kilala ang napaslang, Sumabog at nasunog ang isang pribadong sasakyan, Tamaraw FX na may plakang DMG-687, Batangas Police, hindi pa rin kilala ang napaslang, Sumabog at nasunog ang isang pribadong sasakyan, Tamaraw FX na may plakang DMG-687

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.