“Bathroom bill’ sa North Carolina, aprubado na ng U.S. court

By Marlene Padiernos July 24, 2019 - 08:38 PM

DURHAM, NC – MAY 11: A gender neutral sign is posted outside a bathrooms at Oval Park Grill on May 11, 2016 in Durham, North Carolina. Debate over transgender bathroom access spreads nationwide as the U.S. Department of Justice countersues North Carolina Governor Pat McCrory from enforcing the provisions of House Bill 2 (HB2) that dictate what bathrooms transgender individuals can use. Sara D. Davis/Getty Images/AFP

Aprubado na ng U.S. court ang ‘Bathroom bill’ na halos tatlong taon nang isinusulong at pinaglalaban ng mga transgender sa North Carolina.

Ang naturang panukala ay nagbibigay ng karapatan sa mga transgender na gumamit ng kahit anong pampublikong palikuran o banyo ayon sa kanilang gender identity.

Ayon sa pahayag ng acting legal director American Civil Liberties Union of North Carolina na si Irene Como, ang rights to equal protection ng bawat mamamayan na nakapaloob sa ilalim ng U.S Constitution ay nilalabag umano ng 2016 North Carolina law o House Bill 2 kung saan ay nire-require ang lahat ng mamamayan ng nasabing bansa na gumamit lamang ng banyo o palikuran ng naaayon sa kanilang gender identity na nakasaad sa kanilang mga birth certificate.

Dagdag ni Como, ay magpapatuloy na ipaglaban ng kanilang grupo ang karapatan ng bawat isa hangga’t may mga miyembro ng LGBT community na naagrabyado at hindi nabibigyan ng kaukulang proteksyon laban sa karahasan at diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian.

 

TAGS: 'Bathroom bill', 2016 North Carolina law o House Bill 2, American Civil Liberties Union of North Carolina, Irene Como, north carolina, transgender, 'Bathroom bill', 2016 North Carolina law o House Bill 2, American Civil Liberties Union of North Carolina, Irene Como, north carolina, transgender

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.