Panukala upang itaas ang sahod ng mga public school teachers inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon July 24, 2019 - 08:24 PM

Inihain na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong taasan ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang House Bill 908 na isinusulong ni Ako Bisaya Party-list Representative Sonny Lagon ay tugon sa panawagang dagdag-sahod ng mga guro na nabanggit rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address.

Nakasaad sa Public School Teachers Salary Upgrading Act of 2019 na mula Salary Grade 11 ay itataas sa Salary Grade 15 ang minimum salary grade level ng public school teachers mula sa elementarya at high school.

Kasama na rito ang technical at vocational schools at state universities and colleges kung saan ang initial funding requirement ay kukunin mula sa savings ng Executive Department at sa mga susunod na taon ay ipapaloob na ito sa General Appropriations Act.

Paliwanag ni Lagon, malaki ang papel at responsibilidad ng mga guro sa paglinang sa kaalaman ng susunod na henerasyon kaya panahon na para ibigay ang karapat-dapat na kompensasyon sa kanila.

Ang ibang guro aniya ay napipilitan pang iwan ang propesyon dahil sa maliit na sweldo at mas pinipiling maging domestic helpers abroad para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

TAGS: General Appropriations Act, House Bill 908, panukalang batas na naglalayong taasan ang sahod ng mga guro, Public School Teachers Salary Upgrading Act of 2019, General Appropriations Act, House Bill 908, panukalang batas na naglalayong taasan ang sahod ng mga guro, Public School Teachers Salary Upgrading Act of 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.