Ombudsman, pinaiimbestigahan ang mga opisyal ng Bureau of Customs
Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa mga opisyal ng Bureau of Customs.
Kaugnay pa rin ito sa di umano’y nagaganap na korapsyon sa naturang ahensya.
Ayon sa Ombudsman, maaari silang magpataw ng preventive suspension sa mga nasasakupan nito kung malakas ang ebidensya.
Tatanggalin naman ng Ombudsman ang sinumang opisyal na mapapatunayang sangkot sa anumang anomalya.
Ito ay sa bisa ng Republic Act No. 6770 o Ombudsman Act of 1989 na kumikilala sa Ombudsman bilang proteksyon ng mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.