Lalaki patay nang atakihin sa puso matapos manood ng Pacquiao – Thurman fight sa Cebu City

Hindi na umabot pa sa ospital ang ang isang lalaki matapos atakihin sa puso habang nanunuod ng laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Keith Thurman Linggo ng umaga , July 21, 2019.

Ayon sa ulat ng pulisya, Inatake sa puso ang 50 taong gulang na biktima sa Barangay San Jose covered court nang mapabagsak ni Pacquiao si Thurman sa round 1 ng kanilang laban.

Sinabi ni Eddie Magalso, isang officer-in-charge na nasa parehong lugar ng public viewing sa Phase 1A, nakita niyang napaupo ang biktima habang ang iba ay hindi magkamayaw sa tuwa.

Kasalukuyang nakaburol ang biktima sa kanilang tahanan sa Kasiglan Village.

 

Read more...