CHR handang makipag-dayalogo sa gobyerno sa panukalang bitay

By Noel Talacay July 24, 2019 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Ikinadismaya ng Commission on Human Rigths (CHR) ang pahayag ng pangulo na muling pagbuhay sa death penalty sa bansa.

Sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia na ngangamba sila na matuloy na maging batas ang parusang kamatayan dahil sa masamang epekto nito sa lipunan.

Ipinaliwanag ng opisyal na maraming kaalyado sa kongreso ang pangulo kaya posibleng mapagtibay ito.

Kaya muli niyang pinaalalahanan ang gobyerno na ang pagbalik ng capital punishment sa Pilipinas ay

mariing paglabag sa Second Optional Protocol ng International Covenant on Civil and Political Rigths na nilagdaan noong 2007 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi rin ni De Guia na bukas ang kanilang ahensya na makipagpulong sa pamahalaan para mapag-usapan na batay sa katotohanan at tunay na mga impormasyon tungkol sa isyu ng parusang kamatayan.

 

Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na hindi death penalty ang solusyon kontra sa lumalalang kaso ng ipinagbabawal na droga sa bansa pati na rin sa kaso ng katiwalian sa pamahalaan./

TAGS: bitay, CHR, drugs, duterte, pluder, bitay, CHR, drugs, duterte, pluder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.